CLASS 1964 HOMEPAGE
Class of 1964
    SIGN-UP  

APRIL 26, 2008 MI CLASS '64 REUNION
CLICK HERE TO VIEW MORE PICTURES/PHOTOS TAKEN DURING THE REUNION

CLICK THIS LINK TO VIEW THE APRIL 26, 2008 REUNION:

 

(SCROLL DOWN FOR LATEST PHOTOS OF MI'64 ACTIVITIES)

CLASS MESSAGES
from MI Class '64 President
Elmer Sta. Ana

Paki-usap ni Sotera na mag-contribute raw ako ng article. Article? Eh, ang alam ko lang na article e yung “the”, “a”, “an”. Di ko nga alam pa kung alin doon yong indefinite at definite. Ang ibig daw niyang sabihin ay isang tutoong kwento.

Nagsasala-gunting yung isip ko…..

Kung ang isusulat ko ay tungkol sa nakaraan, marami. Gusto n’yo bang mabasa yaong tungkol sa pagbibinata? Yung bang lumigaw, nabasted, lumigaw uli, nabasted uli. Nagka-girlfriend, pero hindi nagtagal. Kasi ayaw pahalik sa lips. Tinamad manligaw. Sumama na lamang sa progresibong samahan. Umuwing pasa-pasa ang katawan, kasi pinagpapalo ng mga Metrocom sa isang rally. Nakulong at nakatakas sa Camp Panopio. Nawalan ng gana lumaon. Nagtrabaho na lamang at nag-aral sa gabi. Ginawang istambayan ang bilyaran kasi nahandoon ang barkada. Ginawa ring istambayan ang library kasi maganda ang student assistant ng librarian. Naging girlfriend pero umayaw si babae. Madalas kasing nauutangan ng pamasahe at pambili ng yosi. (Buhay pa kaya si Manong? May utang pa akong tatlong sticks ng Salem roon , tanda ko.) Nakatapos nang pag-aaral sa awa’t panalangin ni Nanay na lumalakad pa nang paluhod sa Quiapo tuwing “finals” namin. Naiyak nga nuong graduation namin. Parang ayoko nang bulatlatin pa ang nakaraan. Tapos na yon kasi.

Kung tungkol naman sa kasalukuyan, ano ang ibabalita ko sa inyo? Yung bang taas ng cholesterol, kasobrahan ng sugar, yung over/over ng blood pressure,o yung rayuma (pag mayaman ka ang tawag roon ay arthritis). Huwag na lang yon.

Kung tungkol naman sa hinaharap, parang mahirap tanggapin na nalalapit na ang ating pakikipanayam kay “Lord”. Parang ayoko rin ng topic na ito.

Iku-kwento ko na lamang sa inyo yung mga bagay na bumabagabag sa isip ko noong tayo’y na M. I. pa. Alam n’yo bang nito lamang nakaraang buwan ko nalaman na kaya pala amoy suman si Enrico noon ay dahil pag pina-plantsa nang Inang n’ya ang kanyang shorts na khaki ay pinapatungan muna nang dahon ng saging? Hindi rin nagtatagal pa nang malaman kong kaya pala ang peyrents ng isang nating kaklase’y hindi naging “outstanding parents” ay dahil nahuli siya ni Miss Roberto na
nag-kokodigo. Nalaman ko rin kamakailan na itong klasmeyt na ito ay hindi nag-susuot ng “briefs”. Yumuko kasi, lumabas yung isang bahagi ng suot-panloob nakita ko ang tatak- “So-En”. May bumulong naman sa akin na noon day “Jrs. & Srs. Prom” isinayaw raw ang isa nating ka-section. Hinalikan raw niya sa kaliwang tainga. Nagalit raw ito kasi hindi na niya inulit pa. Isa pa- meron rin tayong ka-batch na may crush sa isa rin nating ka-batch. Hanggang ngayon raw naiisip pa niya. Nakita niya sa meeting natin sa farm ni Tata Ruping. Ayaw na raw niya. Kasi para raw upright freezer and katawan ngayon.

Ang hindi ko rin talaga ma-solve hanggang ngayon ay kung ano ang sekreto ng giniling ni Aling Elang.

Ganire pala ang nadarama kapag nagkakalayo kayo ng iyong mga kababata sa loob ng napakatagal na panahon. Nag-no-nostalgia trip ka. Bakit kasi tumatanda pa ang tao?

Sana habang panahon tayong bata- nagtutuksuhan, nagbibiruan, natatampisaw sa baha, nagpapalipad nang saranggola, binubuwisit ang mga girls, pinagtataguan ang mga titsers, nang-uumit nang kendi sa tindahan nila Mr. Pilongo.

Taon-taon sana’y magkikita-kita tayong muli upang gunitain ang nakaraan, pag-usapang ang kasalukuyan at sama-samang ipagdasal na harinawa’y mag-iwan tayo nang magagandang ala-ala sa ating mga iiwan.

ELMER S.D. STA. ANA
Class President
M.I. Batch ‘64
2006 Nov 21

PICTORIALS

JANUARY/FEBRUARY 2008 BIRTHDAY CELEBRANTS
027/17/08 AND 01/13/08

GROUP '64 CHRISTMAS PARTY
12/16/07

OCTOBER BIRTHDAY CELEBRANTS
10/28/07

 

MI Class 64 had a mini-reunion in Las Vegas, Nevada on March 29-30, 2007.  Attending were Sotera Bernabe Santiago (Philippines), Lucila Cruz Balana (Ohio), Lolita Legacion de la Cruz (Michigan), Estrellita Lascano Punzalan (California), and Eddie Vicente (California).  Joining spouses were:  Rick de la Cruz, Eric Punzalan, and Lourdes Vicente.  Please contact Estrellita Lascano Punzalan (415) 297-9271 Cell, or litapunz@comcast.net to plan the next reunion in the U.S. 

Thanks again,

Lita

CLICK THE PHOTO TO VIEW ENLARGED VERSION THEN HIT YOUR BROWSER'S BACK BUTTON TO GET BACK TO THIS PAGE.

 

MI Class 64 Reunion
December 28, 2006
Long Meadows Country Resort
Mahabang Parang, Sta. Maria, Bulacan

CLICK THE PHOTO TO VIEW ENLARGED VERSION THEN HIT YOUR BROWSER'S BACK BUTTON TO GET BACK TO THIS PAGE.

1
     
73 N. Taylor Street
Bergenfield, New Jersey
USA 07621
October 7, 2005

Lukso ng puso. Lundag ng dugo. Sinuman sa atin na sa mga munting silid-paaralan
na yaon sa Meycauauayn Institute ating unang natunghayan

- ang makulay na kasaysayan ng ating lahi, ang kagitingan ng ating mga bayani
- ang kaalaman sa mga agham tulad ng matematika, pisika, biolohiya, atbp
- ang indayog ng tunog, ang disiplina ng gramatika, ang lalim ng talinghaga
.. ng ating wikang sinilangan. at ng wikang Inggles
- ang mga literatura ng sandaigdigan. sino nga ba itong si Shakespeare.
ano nga ba itong The Iliad, itong elegy, itong hai-ku, itong
kay-hirap-hirap intindihin na Ingles ng Celtic poetry

malilimutan ba natin ang mga iyon ? Ang ating mga guro. Sila na mga nag-lakbay
sa atin. Mga umagapay sa atin. Mga nag-taas sa atin. Our teachers who made man
in the child in us.

At malilimutan ba kita ? Sila na mga nasa Second year, mga nasa Third Year, mga graduating na nasa Fourth Year ? Nuon na tayo ay First Year pa lamang ?
Malilimutan ba natin sila na mga First-Second-Third years sapagkat nuon, tayo
ay pa-alis na dahil tayo ay Seniors na ? Oo, hindi kita nalilimutan. Hindi kita
malilimutan. Ikaw, classmate 64. Apat na taon tayo nagkasama. Sa panahon ng
ating buhay na ang ating mga pangarap .. ay nabuo.

Maraming taon na ang nakalipas. Sa pagbabalik ng aking mga alaala, sabik akong
kumustahin ikaw. Sabik akong mag-kuwento ka sa akin. Kumusta ka, classmate 64.
Kung ako ang tatanungin mo, may apo na ako. Magiging dalawa na. Dine sa Amerika ako nagtuloy ng paglalakbay sa buhay. Subalit Pilipino ako. Sa puso.
At MI'er ako. Sa inspirations and memories I treasure most endearingly.

Sumulat ka, classmate 64. Sumulat ka sa akin. Sumulat ka sa ating mga iba pa
na Batch 64. Dito sa website na ito na idea, nilikha at buong pag-ibig na pinag-
uukulan ng panahon ni Rolly Malinis (Class 65). At ni Edgar Gonzales {President
of MI Class 65}. Itong http://www.mcgraduates.net.

Para sa iyo ito. Para kay classmate '64. Para sa lahat natin na nag high-school
sa Meycauayan Institute. Taong 1925 nagsimula ang ating Alma Mater. Ahhh,
kay dami na natin. Marami pa tayo magagawa. Marami sa atin na marami na ang nagawa. Hindi lang sa ating buhay. Sa ating pamilya. Higit sa lahat, sa ating kapwa.
Sa ating Inang-Bayan. Mag-kuwentuhan tayo, classmate. Magkaka-isa tayo nuon.
Nagkaka-isa pa rin tayo. Laluna na, para sa ating Inang Bayan. Simoy ng hangin niya ang ating unang nilanghap nuon tayo ay isilang. At nang unang ibukas natin
ang ating mga mata, ang kanyang kapaligiran ang ating unang nasilayan.
Sa kanyang sinapupunan naruon ang ating Meycauayan Institute. Duon kita
unang nakilala. Unang nakasama. Dito tayo ngayon mag-"reunion". Let us unite
and re-unite as we give and testify to the nobler meaning of "alumnihood". In "having new eyes" to the discovery of what "alumnihood" more profoundly means. Ang balik pag-sisilbi sa ating Inang-Bayan. Ang balik pasasalamat sa kaniya. Sa ating "Pilipinas Kong Mahal". Ito ang "reunion" na tayo ay hindi na .. hindi na
magkakawalay. Ito ang "reunion" na to draw inspiration from Edgar Gonzales {Class 65} .. ay isang "never-ending story".

"The real voyage of discovery consists not in seeking new landscapes,
but in having new eyes."
Marcel Proust

Your fellow MI'er
Enrico (Eric) Santiago
MI Class 64
Email : ejollibee@wmconnect.com

MC Classmates Message Page from: danilo santiago
First Name: danilo
Last Name: santiago
MC Class: MC Class 1964
E-mail: santiago_assoc@yahoo.com
URL:
Comments: Good Day to all Meycauayan College Alumni. I just want to report that batch ’64 are having continues meeting regarding the Grand Reunion which tentatively schedule Dec. 28, 2006.

Last May 1, 2006 a meeting was held at the residence of Mr. Angelito Celestino and all the details pertaining to Grand Reunion was discussed.
There was also list of elected officers for this occasions as follows.
Meycauayan Institute Batch 1964.

President Reynaldo San Juan
Sotera Bernabe
Vice President Mauro Aquino
Ma. Corazon Moraga Santiago
Secretary Elvira Capiral Benedicto
Angelita Cruz Oliva
Mauro Gonzales
Treasurer Lolita Mendoza Licup
Milo Roxas
Auditor Belen manzano Rivero
Herminio Roxas
PRO Angelito Celestino
Lolita Mendoza Licup
Coordinator Meycauayan Jeremias Sales
Angelita Cruz Oliva
Reynaldo padillo
Bocaue Renato Mendoza
Isagani Valerio
Avelino Mendoza
Adoracion Maderazo Termulo
Ruperto Principe
Angelito Celestino
Marilao Mauro Aquino
Juanito Dimacali
Sta. Maria Ronald Nicolas
Azuncion Diaz
Vicente Juaquin
USA Rebecca Ramos
Eddie Vicente
Lucila Cruz

MC Classmates Message Page from: Lolita Ligacion Dela Cruz
First Name: Lolita
Last Name: Ligacion Dela Cruz
MC Class: 1964 Sandusky,Mi, U.S.A.
E-mail: rbdelacruzmd@greatlakes.net
URL:
Comments: Hi, everybody. I am very happy to hear that ourr class 64 is planning a grand reunion after 42 yers of graduation from our beloved alma mater. It is exciting to see again everybody after being away from the Philippines for so many years.I look forward to see all of you in the near
future.


Class President:
Reynaldo San Juan
Sotera Bernabe

Class Secretary:
Elvira Capiral Benedicto
Angelita Cruz Oliva
Mauro Gonzales

List of Members w/ Contact
Andy Eugenio
Marcelo Arcega
Pacito Del Rosario
Danilo Santiago
Reynaldo Villena

Members with no contact:
Tito Cruz

 
 
 
| home |